46

By

Sara Duterte: Midterm elections hindi preview ng 2022 elections

Hindi umano nakikita ni Davao City Mayor Sara Duterte na ang katatapos lamang na eleksyon ay preview ng magaganap na presidential elections sa 2022 kung saan ay siya ang maging possible successor ng kaniyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Wagi si Sara sa pagka-mayor sa Davao habang ang 9 na kandidato ng kaniyang Hugpong ng Pagbabago party ay mataas na ang posibilidad na magkaroon ng pwesto sa Senado.

“In my opinion, many things can happen in between 2019 and 2022. I think 2021 surveys are the preview,” ani Sara ayon sa report sa Inquirer.net.

Matatandaang binantaan ni Pangulong Duterte ang kaniyang anak na si Sara ang pagiging presidente ay maaaring makasira sa kaniya. Ito ang pahayag ng Pangulo sa mga ispekulasyon na ang kaniyang anak ay kakandidato sa pagka-pangulo sa 2022.

Sinabi rin ng Pangulo kay Sara na ang pagtakbo bilang presidente ay walang maidudulot sa kaniya kundi sakripisyo at insulto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?