212
Sara Duterte, masaya sa pagkakapasok ng Hugpong bets sa Magic 12
By

Sara Duterte, masaya sa pagkakapasok ng Hugpong bets sa Magic 12

Masaya si Hugpong ng Pagbabago campaign manager at Davao City Mayor Sara Duterte sa pinakabagong resulta ng Pulse Asia survey kung saan karamihan umano ng senatorial candidate nila ay nakapasok sa Magic 12.

Aniya, nakatutuwa umano ang ibinigay na tiwala sa kanila ng publiko.

Umaasa umano siya na hanggang sa election day ay naroon pa rin ang pagsuporta ng mga tao.

Matatandaang muling nanguna si Senador Grace Poe sa 67.5 percent voter preference habang ang kasunod niyang si Senadora Cynthia Villar ay may 61 percent voter preference.

Kabilang naman sa mga nakapasok sa Magic 12 na Hugpong candidates sina Bong Go (53%), Sonny Angara (52.2%), Taguig Rep. Pia Cayetano (47%) at Ronald dela Rosa (44.6%).

Isinagawa ang survey noong Pebrero 24-28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?