124

Feb 17, 2020 @ 21:05
By

Sara Duterte kinikilig kay Hyun Bin

Kilala sa pagkakaroon ng strong personality si Davao City Mayor Sara Duterte.

Katulad ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, mahilig din itong mag-motorsiklo, at hindi lang ordinaryong motorsiklo mayroon ang alkalde, kundi bet niya ang mga big bike.

Pero sa kanyang Instagram account, nilantad ni Mayor Duterte ang kanyang soft side, kinikilig din siya sa mga Koreanovela.

Isang poster ng K-drama na “Crash Landing On You” ang binahagi ng alkalde kung saan naka-edit ang mukha niya sa babaeng nasa likod ng bidang si Hyun Bin.

“Hyun Bin posters for sale edits by ztl and staff,” caption ni Mayor Sara na nilagyan niya ng face throwing a kiss emoji.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?