92

Aug 2, 2019 @ 20:38
By

Sara Duterte ipagpapasa-Diyos kung tatakbong Pangulo

Hihingi ng tulong sa Poong Maykapal si Davao City Mayor Sara Duterte para makapagdesisyong tumakbo sa top post sa 2022.

Sa panayam kay Sara sa ‘Give Us this Day’ program ni Pasyor Apollo Quiboloy, sinabi ni Sara na kung plano ng Diyos na maging Pangulo siya ay magiging madali ang pagdedesisyon.

“Based on life experience, everything will be easier if it’s the plan of God,” ayon sa anak ni Pangulong Rodrigo Duterte. “Before I think about that, I should ask God first, ‘Is this for me?'”

“Siguro para hindi tayo magkamali, we need to pray for wisdom on who to go about it and how to decide,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?