217

Jul 17, 2019 @ 21:06
By

Sara Duterte hindi dadalo sa 4th SONA ng ama

Hindi makakapunta sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa Hulyo 22.

Ayon sa report, kasalukuyang nasa “special medical leave for 60 days” ang alkalde dahil sa kanyang gynecological condition.

Noong 2018 dumalo si Mayor Sara sa SONA ng Pangulo kasama ang inang si Elizabeth Zimmerman.

Nagkaroon ng aberya ang SONA matapos patalsikin ng mga kongresista si Davao del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker at pinalitan ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?