139

Mar 8, 2019 @ 16:21
By

Sara Duterte hinamon ng debate sa Otso Diretso

Mismong si Hugpong ng Pagbabago chairperson Sara Duterte-Carpio ang nanghamon ng debate kontra sa buong senatorial slate ng Otso Diretso.

Sa report ng Inquirer.net, sinabi ni Sara na handa siyang makipagdebate sa opposition slate.

Ito’y matapos mabasura ang request na public debate ng Otso Diretso ng Comelec dahil umano sa kawalan ng oras at lugar.

“Kami na lang, Inday Sara vs 8,” ayon kay Duterte.

Pambato ni Davao Mayor Sara sa Hugpong sina Bong Go, Imee Marcos, Sonny Angara, Pia Cayetano, Ronald dela Rosa, Jinggoy Estrada, JV Ejercito, Dong Mangudadatu, Jiggy Manicad, Koko Pimentel, Bong Revilla, Francis Tolentino at Cynthia Villar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?