624

Aug 3, 2021 @ 13:22
By

Sara Duterte gusto magsimula sa ‘clean slate,’ tatanggalin gabinete ng ama ‘pag siya na pangulo

Ayaw umanong makatrabaho ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio ang gabinete ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling tumakbo at manalo siya bilang bagong presidente ng Pilipinas sa 2022.

Ayon sa isang source sa Politiko, tatanggalin niya ang lahat ng cabinet secretaries kapag siya na ang nakaupo dahil karamihan dito ay malapit kay Senador Bong Go at Honeylet Avanceña na siyang kasalukuyang partner ng kanyang ama.

Kaugnay nito, nananatili pang tikom ang bibig ng alkalde kung tatakbo ba siya bilang lider ng bansa sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?