7

Jul 22, 2020 @ 21:20

Sara Duterte, ‘di uli dadalo sa SONA ng ama

Sa ikalawang pagkakataon, hindi pupunta si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya sa panayam sa Davao City Disaster Radio nitong Miyerkoles, ayaw niyang dumaan sa swab testing at 14-araw na mandatory quarantine pagbalik niya sa Davao.

“None, I don’t have plans of getting RT-PCR (reverse transcription-polymerase chain reaction) test when I return to Davao. It’s one thing that I do not want to do because I heard it’s very uncomfortable. I have never tried getting tested through RT-PCR,” pahayag niya.

Nakaraang taon ay hindi rin dumalo ang presidential daughter sa 4th SONA ng ama dahil naka-special medical leave siya dulot ng “gynecological” condition.

Marso 12 nang mag-self quarantine si Mayor Sara matapos maka-meeting sa Maynila si Senador Sherwin Gatchalian, na nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patient.

“Of course, I would have to be in quarantine for 14 days, so that is something that I do not want to do again because I have already experienced that,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?