742

May 22, 2019 @ 13:34
By

Sara Duterte ‘di natatakot sa banta ni Alan Cayetano

Hindi iniisip ni Davao Mayor Sara Duterte ang ibinunyag niyang banta ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na sisirain umano nito ang ‘grupo’ kapag kanyang hindi sinuportahan si Cayetano bilang House Speaker.

Sa report ng Inquirer.net, sinabi na hindi iniinda ni Duterte ang banta nang posibleng pag-alis ni Cayetano sa partido ng administrasyon.

Napabalita na posibleng si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco ang ibandera ni Duterte bilang susunod na speaker kay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Hindi umano naintindihan ni Sara kung bakit siya pinagbabantaan ni Cayetano gayong kaibigan niya ang asawa nito na si Lani, na nanalo namang Taguig Rep. sa second district.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?