266

Jul 9, 2021 @ 18:04
By

Sara Duterte bukas na sa pagtakbong pangulo

Nagpahayag na ng kahandaang tumakbo sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sa pagbisita niya sa Cebu, naitanong kay Duterte-Carpio kung bukas na siya sa idea ng pagtakbong pangulo sa 2022 elections.

Sagot niya: “Yes, opo.”

Sa kabila nito, aniya, wala pa siyang pinal na desisyon sa isyu at ang mahalaga umano ay batid niya ang damdamin ng mga tao at kung ano ang gusto ng mga ito.

Nagkaroon ng closed-door meeting kay Cebu Gov. Gwendolyn Garcia si Duterte-Carpio sa kanyang naging courtesy call nitong Biyernes.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ni Duterte-Carpio na wala siyang balak maging pangulo ng Pilipinas.

Sinabi rin niyang hindi mangyayari ang Duterte-Duterte tandem, kung saan ang ama niyang si Pangulong Rodrigo Duterte ang tatakbo sa pagka-bise presidente.

Kamakailan sinabi ng Hugpong ng Pagbabago na sa Oktubre magdedesisyon ang presidential daughter tungkol sa posibleng presidential bid niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?