69

May 19, 2020 @ 16:35
By

Sara Duterte binira ang ABS-CBN sa pagiging bias

Inakusahan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang ABS-CBN ng pagiging bias sa pagbabalita.

Pinuna ng presidential daughter sa isang Instagram post ang ulat ng ABS-CBN tungkol sa pagdepensa niya sa pagbiyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao matapos alisin ang enhanced community quarantine.

Aniya, hindi raw nasama sa ulat ang mga legal na batayan na binanggit niya bukod sa pagiging “top frontliner” ng kanyang ama.

May pamagat itong: “Sara Duterte defends father’s Davao trip: President is frontliner.”

Sa Instagram inihayag ng alkalde ang kanyang pagkadismaya sa umano’y bias reporting.

“Alam niyo Abs-Cbn kaya marami naiinis sa inyo dahil nanadya kayo. Apart from this sassy answer, I gave a mouthful of numbers as legal basis, aba kahit isa wala man lang kayo sinulat. Ansabe ko IATF Omnibus Guide dated 15 May 2020 Sec. 7 (2) 2 at Notam DIA exemption to restricted travel 2) Government flights. Andami niyo na nga kalaban gusto niyo pa dagdagan. Kung sabagay pasok naman na sila Espasol, Sapin-Sapin at Chicharon sa bulsa eh noh, 6 months to 25 years. So tuloy lang tayo sa bias. Magsulat kayo maayos oi. And for the record, walang connection ang freedom of speech at iba pang kieme ninyo sa isang franchise. Amen,” saad ni Mayor Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?