63

Nov 17, 2021 @ 19:21
By

Sara Duterte bagong chairman ng Lakas-CMD

Tinanggap na ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagiging chairman ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) nitong Miyerkoles, Nobyembre 17.

Ang Lakas-CMD ay ang political party na namumuno sa kanyang kampanya para sa bise presidente sa 2022 halalan.

“I am honored to accept the Chairmanship of Lakas-CMD,” sabi ni Duterte-Carpio sa pahayag na inilabas ng kanyang tagapagsalita Liloan, Cebu Mayor Christina Garcia Frasco.

“Together with the party, I look forward to waging a successful campaign for Uniteam BBM-Sara, with the invaluable support of our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.

Noong Sabado, naghain ng Certificate of Candidacy si Sara para sa bise presidente sa ilalim ng Lakas-CMD party sa pamamagitan ng substitution.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?