140

Jan 2, 2021 @ 8:56
By

Sara Duterte ayaw madawit pangalan sa posibleng mga 2022 presidential candidate

Ayaw nang maulit ni Davao City Mayor Sara Duterte ang pagkakadawit ng pangalan niya bilang isa sa mga posibleng tumakbo bilang presidente sa taon 2022.

Ito ay matapos makiusap ang alkalde sa mga pollster na huwag na siyang isali sa mga ganitong uri ng survey sa susunod.

Dapat din dapat mag-focus ang mamamayan sa kung paano nila malalampasan ang kasalukuyang malawakang krisis.

“We focus, firmly, on how to survive the economic and humanitarian crisis still in front of us,” ani Duterte.

“We continue to battle the effects of COVID-19 on our people and our country. Nevertheless, I respectfully suggest to survey organizations to remove my name from the choices,” dagdag pa niya.

Kamakaialan lamang nang manguna si Davao City Mayor sa survey ng Pulse Asia sa mga posibleng kakandidato sa darating na halalan 2022.

Nakakuha siya ng 26% sa survey na sinundan ni Bongbong Marcos at Senator Grace Poe

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?