10

Sep 26, 2020 @ 3:06
By

Sara Duterte: 40 COVID carrier nanggaling sa Metro Manila

Tinatayang 40 pasahero na nakapasok sa Davao City ay nagpositibo sa COVID-19, ayon kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Base sa report ng DZBB, ang bawat pasahero ay galing umano sa Metro Manila.

Dumating ang mga ito noong September 21, kung saan wala umanong sintomas ang mga ito nang dumaan sa screening bago bumiyahe pa-Davao.

Sa ngayon ay 1,783 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Davao City, 1,441 ang ang tinuturing na active case.

Samantala, binabantayan na ng mga health frontliner ang 40 katao na nagpositibo sa virus

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?