469

Jun 14, 2021 @ 9:27

Sara bumanat kay VP Leni: Wala kang alam, huwag mo kong turuan!

Nagsimula na ba ang laban sa pagitan ng dalawang namumurong presidentiable sa 2022?

Ito’y matapos na sumagot si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pahayag ni Vice President Leni Robredo, na dapat matuto ang kanyang pinamumunuang lungsod sa COVID-19 response ng Cebu City.

Sa pahayag ni Inday Sara na pinaabot ni Davao City chief information officer Jefry Tupas, dapat ay huwag nang magbigay ng advice si VP Leni lalo’t wala naman daw itong alam sa tunay na nangyayari sa kanilang lugar.

“The Vice President should refrain from giving advice if she knows nothing about what is happening on the ground,” lahad ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinatamaan din nito ang termino ni Robredo, na ayon kay Sara ay madalas magkomento si VP Leni sa mga isyu na hindi umano masyadong naiintindihan ng Bise Presidente.

“This has been the hallmark of her term as VP, where she puts forth comments on matters and affairs she lacks understanding and knowledge on and does not offer anything helpful to solve a problem,” aniya pa.

Paliwanag ni Sara, tumutulong ang private sector sa paglaban ng COVID-19 sa Davao City, at hindi rin daw dapat patamaan ni Robredo ang kanilang medical community dahil busy ang mga ito simula pa noong March 2020.

“She should open her eyes to the surge of cases in localities all around the world and she might be able to say that a surge in cases where 85% of the cases are asymptomatic is primarily identified by aggressive testing, coupled with tracing and isolation/quarantining,” giit pa ni Inday Sara.

Banat pa ng alkalde, huwag umanong gamitin ni Robredo ang COVID-19 surge sa Davao City para sa pamumulitika.

“There will be a proper time to attack my performance as an LCE in this pandemic if she dares to run for President,” patama ni Sara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?