56

Sep 16, 2019 @ 14:04
By

Sara, Bulacan patok sa ‘Munti’

Tiyak tutok ang depensa kay Roldan Sara ng Bulacan Kuyas na asam umarangkada nang ika-4 na sunod na panalo kontra Muntinlupa Cagers sa huling laro mamaya, Setyembre 16, ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019 elims sa Bulacan Capitol Gym, Malolos.

Bukod sa hagupit na ginawa ni Sara na 20 points at 5 rebounds sa 105-105 double overtime win sa Navotas, malaking bagay rin ang homecourt advantage ng Kuyas upang umangat pa ang kasalukuyang 8-5 karta na pampito sa Group A North Division.

Tangan ng Bulakenyos ang 4-game winning streak tungo sa alas-8:30 ng gabing pakikirambol sa nasa ika-14 sa Group B South Division sa 3-11 mark kalakip ang anim na dikit na semplang sa ngayon.

Salpukan din ang Caloocan-Nueva Ecija sa unang laro, at ang Bacoor-Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?