105

Oct 23, 2021 @ 14:37
By

Sara, Bongbong nag-eyeball sa Cebu

Nagkita sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating senador Bongbong Marcos sa Cebu nitong Sabado.

Sa Facebook post, kinumpirma ni Mayor Sara na nagkita sila ng presidential aspirant sa birthday ni Tingog Sinirangan party-list Rep. Yedda Romualdez.

“Confirmed po na nagkita kami ngayon lang ni presidential aspirant at former Senator BBM sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Cong. Yedda, maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez sa Cebu,” ani Duterte-Carpio.

Naging usap-usapan sa social media ang posibilidad na tandem nina Marcos at Duterte-Carpio matapos kapwa sila bumisita sa Cebu kahapon.

Nagtungo si Marcos sa Cebu para sa inagurasyon ng kanyang campaign headquarters.

Sinabi naman ng presidential daughter na nakipagkita siya sa pinsan niyang si Cebu 5th District Board Member Red Duterte.

Nakasuot si Mayor Sara ng berdeng hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?