471

Feb 13, 2019 @ 11:45
By

Sara binuweltahan si Hontiveros: Bawat banat mo, patunay na tama ang tatay ko!

Mas lalong lumalalim ang iringan sa pagitan nina Senadora Risa Hontiveros at Davao Mayor Sara Duterte-Carpio.

Matatandaan na sinabi ni Hontiveros sa isang statement na mas napapatunayan ang kanyang kredibilidad sa mga patama ni Duterte-Carpio.

“Every time she attacks me, she validates my work and vindicates my positions on important issues. Every insult from the mayor is a reading on the barometer I can use, second to none, to confirm how effective my office is in advancing democratic interests and goals,” saad ni Hontiveros.

Kaugnay ito ng naging patama naman ni Hontiveros kay Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na mag-resign na dahil sa pagpapalaganap umano ng takot sa mga bakuna dahil sa Dengvaxia.

Sa Instagram post ni Sara, sinabi nito na hindi dapat gamitin ni Hontiveros ang mga katagang ‘attack’, ‘validation’ at ‘vindication’ sa isang pangungusap.

“Ai naku po, an attack is an attack. Don’t use attack, validation and vindication in one sentence,” post ni Sara.

Nagbigay pa ng example na kung ganito raw ang logic ng senadora ay ibig sabihin na mas pinapaburan ng masa ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Otherwise, your attacks against the administration are validations to say that PRD (President Rodrigo Duterte) is correct and therefore vindicated,” pakli pa ng Davao mayor.

“And you still believe your head is in your shoulders? #dropmic na wall is a wall. At sa bawat banat mo ke PRD ay nasasabi ng lahat na tama si Presidente Duterte,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?