10

Feb 24, 2021 @ 9:31
By

Sapul ng COVID worldwide 112M na

112,072,132 na ang kabuuang dami ng mga nagpositibo sa coronavirus disease sa daigdig.

Batay pa sa datos na nakalap ng Johns Hopkins University, Miyerkoles, nangunguna sa listahan ang Amerika sa 28.26 milyong kaso.

Sumunod ang India sa 11.02 milyon, Brazil sa 10.26 milyon, at United Kingdom sa 4.15 milyon.

Samantala, batay din sa JHU COVID-19 dashboard, 63,217,963 na ang gumaling habang 2,483,413 katao sa buong mundo ang namatay dahil sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?