5

Sep 17, 2020 @ 16:17
By

Sapul ng COVID sumampa sa 276K

Umakyat sa 276,289 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes.

Ayon sa Department of Health, 3,375 ang nadagdag sa mga taong nagpositibo sa virus.

Naitala naman sa 63,408 ang active case o iyong mga nagpapagaling pa sa COVID-19.

Samantala, sirit sa 208,096 ang bilang ng gumaling sa 317 new recovery.

Habang natakda sa 4,785 ang death toll sa 53 bagong nasawi sa naturang sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?