4

Feb 9, 2021 @ 9:28
By

Sapul ng Covid sa US akyat sa 27M

27,077,450 na ang kabuuang dami ng mga kaso ng coronavirus disease sa Amerika.

Sabi sa COVID-19 dashboard ng JHU-CSSE, Martes, ang USA ang nangunguna worldwide sa mga bansang may pinakamaraming nahawa sa COVID-19.

Samantala, 464,831 na ang pumanaw dahil sa coronavirus sa nasabing bansa habang 321,856,938 na ang kabuuang COVID-19 test results sa Amerika.

Habang wala namang lumalabas na datos sa dashboard tungkol sa dami ng COVID-19 survivors nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?