3

Sep 24, 2020 @ 13:42
By

Sapul ng COVID sa Kamara 80 na

Tauhan ni House Speaker Alan Cayetano ang pang-80 kaso ng coronavirus disease 2019 sa Kamara.

Sinabi ito ngayong Huwebes ni House Secretary-General Jose Luis Montales.

Ang nasabing female staffer ay huling pumasok sa trabaho noong Setyembre 14 hanggang 18.

Na-test siya para sa COVID-19 matapos manghina ang katawan, sumakit ang ulo, magkasipon, at mawalan ng pang-amoy at panlasa.

Sabi ni Montales, nagsasagawa na ng contact tracing.

Sa 80 virus case sa House of Representatives, 14 aniya ang aktibo.

Nasa 10 kongresista naman na ang nahawa ng COVID-19, pinakahuli si Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?