2

Oct 5, 2020 @ 14:32
By

Sapul ng COVID-19 worldwide 35M na

35,060,300 na ang kabuuang tala ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.

Una rito ang Amerika na may higit 7.4 milyong kaso, sinundan ng India sa 6.5 milyon, at Brazil sa 4.9 milyon.

Samantala, 1,035,479 na ang yumao habang 24,406,079 ang gumaling na mula sa COVID-19 sa daigdig.

Sa global death toll, una ang US (209,811), sumunod ang Brazil (145,987) at ang India (101,782).

Sa may pinakamarami namang recovery worldwide, nangunguna ang India sa 5.5 milyon, pangalawa ang Brazil sa 4.36 milyon, at Estados Unidos sa 2.9 milyon.

Sa Pilipinas naman, 322,497 na ang tinamaan ng sakit na coronavirus. Pang-20 na tayo sa mga bansa o rehiyong may pinakamaraming COVID-19 case sa buong mundo.

Kabilang dito ang 43,642 aktibong kaso, 273,079 nakarekober at ang 5,776 nasawi dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?