4,715

Sep 21, 2021 @ 15:22
By

Sapol sa mugshot! Julian Ongpin naligo sa kalmot

Kapansin-pansin ang kuhang mugshot ni Julian Ongpin noong Linggo na siyang hinihinalang may kinalaman sa pagkamatay ng artist na si Bree Jonson.

Makikita kasi sa litrato ang ilang malalim na sugat sa kanyang mga braso na tila nakuha niya matapos siyang kalmutin.

https://www.instagram.com/stories/chuvaness/2666973715228977123

Kuha ang litrato noong Linggo nang arestuhin siya ng mga awtoridad sa San Juan, La Union matapos mahulihan ng mahigt 12 gramo ng cocaine sa hotel room kung saan nakita si Bree na kanyang nobya na wala ng buhay.

Samantala, kasalukuyang hindi pa natutukoy ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkasawi ng 30 anyos na artist dahil hindi pa ito naisasailalim sa autopsy.

Ayon sa ulat, si Julian ay anak ng businessman na si Roberto Ongpin na siyang tagapangulo ng property developer na Alphaland. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?