7

Oct 30, 2020 @ 16:56
By

Sapol ng COVID sa ‘Pinas sampa ng 378K

Lumobo na sa 378,933 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nitong Biyernes.

Ayon sa tala ng Department of Health, abot sa 2,006 ang bagong kaso ng tinamaan ng coronavirus sa bansa.

Karamihan dito ay nagmula sa Batangas na may 124 case, sinundan ng Cavite (121), Quezon City (105), Rizal (89) at Bulacan (81).

Samantala 330,457 naman ang kabuuang bilang ng gumaling sa 636 bagong nakarekober sa naturang sakit.

Napaulat naman ang death toll ay umabot na sa 7,185, kung saan 38 ang dagdag sa nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: