22

Aug 15, 2021 @ 13:56
By

Sapol ng COVID sa buong mundo 207M na, ‘Pinas top 22 sa pinakamaraming ambag!

Sumirit na sa 207,268,728 kaso ang naitala sa buong mundo na tinamaan ng coronavirus disease 2019.

Samantala, nasa 4,363,385 naman ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus at 185,863,320 naman ang nakarekober.

Batay sa datos ng Worldometers, ika-22 ang Pilipinas sa pinakamaraming naitalang kaso ng COVID.

Kasalukuyan kasing 1,727,321 na ang positive case sa bansa kung saan 14,249 dito ang bagong naiatala nitong Sabado.

Nasa 30,070 ang death roll ng bansa at 1,598,314 naman ang bilang ng mga gumaling.

Samantala, nananatiling numero uno sa kaso ng virus ang Amerika kung saan may 37,365,716 indibidwal na ang nakatikim ng COIVD — 637,170 dito ang natsugi at 30,130,097 naman ang gumaling.

Kasama rin sa top 5 ng pinakamaraming COVID cases ang India, Brazil, Russia, at France.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?