5

Feb 20, 2021 @ 16:46
By

Sapol ng COVID-19 sa PH, nadagdagan pa ng 2,240

Pumalo na sa 559,120 ang kabuuang tinamaan ng coronavirus disease sa Pilipinas matapos panibagong 2,240 katao ang magpositibo.

Sa COVID-19 tally, 34,100 dito ang active case, ayon sa update nitong Sabado ng Department of Health.

86.7 porsyento ay mild, 8.2 porsyento ay asymptomatic, 2.3 porsyento ay kritikal habang 0.68 porsyento ay moderate.

Panibagong 504 pasyente naman ang gumaling na nagpaakyat sa recoveries sa 513,120 habang 239 ang bagong nasawi sa virus kaya sampa sa 12,068 ang kabuuang namatay dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?