51
egyptian-king

Sapatos ni Mohamed Salah idi-display sa British Museum

Idi-display ang boots ng ‘Egyptian King’ na si Mohamed Salah sa isang Museo sa Great Britain.

Ihihilera ang pares ng boots ng 25 anyos football player kahanay ng Egyptian artifacts.

Ang football shoes ay regalo na natanggap ni Salah mula sa Adidas matapos nitong manalo at mag-set ng bagong Premier League score-record na 32 nitong nakaraang season at kalaunang tinawag ang pares ng sapatos na Premier League Golden Boot.

“This acquisition brings the British Museum’s world-famous Egyptian collection right up to date,” ani ni Neal Spencer, keeper ng British Museum sa selection ng Ancient Egypt and Sudan.

“The boots tell a story of a modern Egyptian icon, performing in the UK, with a truly global impact”. Dagdag pa ni Spencer.

Sasabak pa sa Champions League final si Salah sa darating na Sabado sa Kiev laban sa Real Madrid at tutungong Russia para sa puwesto ng Egypt sa kauna-unahang World Cup appearance.

Makikita na sa Museo ng Britain ang pares ng football shoes sa susunod na linggo, kahanay ng ancient Egypt figures at gold Egypt pharaonic jewelry, kasabay ng run up ni Salah sa Champions League finals.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?