92

Mar 17, 2020 @ 18:31
By

Sapatos ni Michele petmalu

Pambato na sa hitsura, pati sa sapatos ay pak na pak pa.

Ito ang peg ngayon ni beauty queen/volleybelle Michele Gumabao dahil pati sapatos niya ay agaw-eksena sa ganda.

Nagpasadya kasi ng sarili niyang sapatos si Michele sa shoe artist na si Maui Lucero.

Sa Instagram story ng nasabing designer (@thebrocustom) ay makikita ang sapatos ni Michele na mai-imagine mong swak na panlaro niya at panlaban sa Premier Volleyball League o PVL.

Ang disensyo kasi nito ay pasadya para sa koponan niyang Creamline Cool Smashers.

Sa gilid ng customized-shoes ay may nakasulat na “Creamline.” Sa kabilang gilid naman nito ay “Cool Smashers”.

Pasabog din ang disenyo sa likod dahil may initial itong pangalan niyang “MG” at sa kabilang pares ay nakasulat naman ang number 7 na jersey number ng dalaga, na anak ni dating politician-actor Dennis Roldan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?