62

Apr 30, 2020 @ 17:46
By

Sapatos ni Luka Doncic, ilalabas na!

Kung kayo’y big fan ng European sensation na si Luka Doncic, hindi niyo dapat palampasin ang kanyang unang sapatos para sa Air Jordan.

Ang Air Jordan 1 Mid ay binase sa ‘mindfulness’ ng Dallas Mavericks star.

Simple ang disenyo ng nasabing sapatos, white ang kulay nito na may ‘tranquil palette’ ng green at violet.

Mkikita rin ang katagang ‘Breathe & Center’ sa heels ng nasabing sapatos.

Natuwa naman si Doncic sa promotional video para sa sapatos, na ilalabas na bukas via House of Hoops by Foot Locker, Footlocker.com at Nike.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?