25
views

By

Sapatero, menor de edad na tulak tiklo sa buy-bust sa Marikina

Sharing is caring!

Arestado ang isang sapatero at isang menor de edad na tulak ng droga sa ikinasang buy bust operation sa Marikina City Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Marikina Police ang mga suspek na sina alyas “Oni”, isang sapatero at ang menor de edad na si alyas “James”, isang estudyante.

Isinagawa ng Station Drug Enforcement Unit ng Marikina ang buy bust sa bahay ng target na si alyas James.

Nabatid na nakabili ang pulis na nagpanggap na buyer ng P1,000 halaga ng shabu mula kay alyas James.

Nang makumpleto ang transaksyon duon na sinunggaban ng mga pulis ang suspek pati ang kasama nito sa bahay.

Nakumpiska mula sa suspek ang 6 na plastic sachet ng hinihinalang shabu.

Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?