26

Nov 26, 2021 @ 15:29

Sapat na suplay ng baboy tiniyak ng DA

Tiniyak ng Department of Agriculture- Central Visayas ang tuluy-tuloy na supply ng pork products sa Cebu sa darating na holiday season.

Batay sa monitoring ng ahensya, nagtatamasa pa rin ang Cebu ng 56 porsiyentong surplus ng suplay ng baboy nitong Nobyembre.

Samantala, nagbabala ito sa posibleng pagtaas ng presyo ng mga produktong baboy dahil sa mataas na demand.

Dagdag pa nito, inaasahan din na tataas ng 20 porsiyento ang demand para sa karne ng baboy.

Kamakailan, inihinto ng Cebu ang pag-suplay ng buhay na baboy sa Metro Manila dahil sa African Swine Fever outbreak. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?