49

Oct 26, 2017 @ 14:03

Sapat na pondo sa PDEA, kailangan — Barbers

Pormal nang hiniling ni House Dangerous Drugs Committee Chairman Robert Ace Barbers na ilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang parte ng 2018 budget ng Philippine National Police (PNP).

Sumulat si Barbers kay Appropriations Committee Chairman Karlo Alexie Nograles para irekomenda na ibigay sa PDEA ang P900 milyon na Oplan Double Barrel budget.

Ayon sa kongresista, puwedeng ilipat ang naturang pondo bilang operating budget ng PDEA kapag nasa bicameral conference na ang 2018 national budget.

Sabi ni Barbers, kailangang suportahan ng pondo ng Kongreso ang PDEA dahil masyadong maliit ang 2018 budget ng ahensya na P1.44 bilyon.

“As the sole agency of the administration’s top priority, PDEA must have the necessary equipment, training and logistics to combat illegal drugs,” pahayag ng kongresista.

Kung matutulungan aniya sa dagdag na pondo, mas malaki ang tiyansang magtagumpay ito sa paglaban sa iligal na droga.

“By providing them (PDEA) with ample budget, I am positive that this war on drugs will soon be sustained,” sabi ni Barbers. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?