165

Dec 27, 2017 @ 15:31
By

Sapat ang pondo para sa kalamidad – NDRRMC

Walang nakikitang pangangailangan sa ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council para humingi ng saklolo sa foreign donors para sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan, may nakalaang pondo ang gobyerno para sa pagtama ng anumang uri ng kalamidad sa bansa.

Paliwanag pa ni Marasigan na kada taon ay pinaglalaanan na ito ng gobyerno lalo pa at hindi naman naliligtas ang Pilipinas sa pagtama ng malalakas na bagyo o lindol.

Sa kabila nito, sinabi ni Marasigan na hindi tatanggihan ng gobyerno ang anumang ayuda na ipipaaabot ng ibang mga bansa sa Pilipinas.

Malaki aniya ang maitutulong nito sa mga naapektuhan ng bagyong Vinta at Urduja na nahaharap sa matinding hirap o gipit na sitwasyon dahil sa kalamidad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?