46

Dec 18, 2017 @ 17:09
By

Sapat ang gamot para sa Biliran typhoon victims – DOH

Tiniyak ng Department of Health na may sapat na mga gamot para sa pangangailangan ng mga residente sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Urduja partikular sa Biliran Province.

Ayon kay DOH USec. Gerardo Bayugo, bago pa tumama ang bagyo ay nakaprepositioned na sa mga DOH Regional office ang mga gamot.

Kung kakapusin o kakailanganin pa ay handang magpadala ng karagdagang gamot ang DOH Central Office.

Nagsasagawa naman ng assessment ang DOH kung kakailanganin pang magdagdag ang DOH ng team ng mga doktor sa Biliran.

Sa ngayon nasa Biliran Province na si DOH Sec. Francisco Duque III kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?