105

Mar 1, 2020 @ 21:17
By

Sapakang Pacquiao-Garcia, posibleng sa Hulyo

Malaki ang tsansa na matuloy na ang salpukan nina ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao at Kanong si Mikey Garcia.

Ito’y matapos na pabagsakin ni Garcia si Jessie Vargas sa DAZN main bout nitong Linggo, oras sa Pilipinas sa The Ford Center at The Star sa Frisco, Texas.

Dominanteng performance ang pinakita ni Garcia, na pinabagsak si Vargas sa 5th round para masungkit ang unanimous decision win, 116-111, 116-111, 114-113.

Sa post-fight interviewm nabanggit ni Garcia ang pangalan ni Pacquiao bilang isa sa mga nais niyang sunod na makasagupa.

“I think I can have big options. I’m ready to get back in with the best. I would love to fight Manny Pacquiao or get a rematch with Errol Spence. I think it would be a tremendous fight, and I’m better now at this weight class. I think I want to continue to campaign at 147 and search a title in my fifth division,” ayon kay Garcia.

Dati nang tinalo si Garcia ni Spence sa unang laban nito sa welterweight division, ngunit tila malabo ngayon ang rematch dahil lubhang nasugatan si Errol dahil sa aksidente.

Samantala, ayon kay Matchroom promoter noon sa Fighthype ay kanyang lulutuin ang Pacquiao vs Garcia.

“We’ll be doing an event in July in Saudi Arabia. We’d like that to be against Manny Pacquiao, and if Mikey Garcia is triumphant on Saturday, I’d like that to be Manny Pacquiao against Mikey Garcia,” ayon kay Hearn.

Nakipag-usap na umano ito kay Audie Attar ng Paradigm Sports Management, na bagong humahawak kay PacMan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?