81

May 12, 2020 @ 13:47
By

SAP distribution sa Taytay, paasa

Mariing inireklamo ng mga residente ang paasang ginagawa sa kanila para mabigyan umano ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Barangay San Juan sa Taytay, Rizal.

Batay sa inirereklamo ng isang residenteng nakilala lamang sa pangalang Gng. Jen, nasa hustong gulang, pinatawag umano sila at pinapunta sa kanilang purok noong Sabado para mag-fill up ng SAP.

Dagdag pa nito na kinabukasan ng bandang alas- 11:00 Linggo ng gabi ay pinapunta sila ng Barangay San Juan Central para daw pumila dahil hanggang alas-12:00 na lamang ang cut off sa pamamahagi ng SAP.

Nabatid na nasa 100 lamang ang nakalagay sa masterlist subalit lagpas 100 sila na nakapila nang hatinggabi at laking dismaya nila dahil sa haba ng ipinila ay wala silang natanggap.

Nagtataka rin sila lung bakit dis-oras ng gabi ang pamamahagi ng ayuda ng pamahalaan.

Kaugnay nito, una nang sinabi ni Taytay Mayor Joric Gacula na nasa barangay at DSWD ang desisyon ng pamamahagi ng SAP at hindi niya alam ang kanilang Sistema ng kanilang pagbibigay ng ayuda sa mga residente.

“Ang mga forms ay binigay sa mga brgys 2 weeks ago more or less. I have no knowledge bakit kagabi lang pinamigay. Paano yun ma- verify ng DSWS if qualified? Hindi dapat ganon ang procedure if that report is true. Maybe the Brgy Captain could shed light on this matter,”ayon kay Mayor Gacula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?