54

May 6, 2020 @ 7:37
By

SAP distribution sa Brgy. Old Balara, QC magdamag pinilahan

10 oras pumila ang mga residente ng Barangay Old Balara, Quezon City sa pamamahagi ng cash aid mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Alas-10 pa lamang umano ng gabi ay pinayagan nang pumila ang mga lalaking residente at inabot na ng umaga ang mga ito sa pila.

Tinatayang mahigit 4,000 residente ang pumila nitong Martes (May 5) ng gabi at inabot ng May 6 upang makakuha ng SAP.

https://youtu.be/m7hi5CjPU9A
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?