169

By

‘SAP’ Bong Go sali sa Gilas Pilipinas

Sharing is caring!

Hindi lang sa politika sasabak ang dating Special Assistant to the President na si Bong Go, kundi pati sa mundo ng basketball.

At hindi lang basta-basta ang kanyang papasukin.

Pasok bilang head ng delegasyon si Bong Go para sa national team sa 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers.

Ito ay inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Al Panlilio sa naging meeting sa Ynares Center, kasama si PBA commissioner Willie Marcial.

“He will head the delegation that will compete during that time. Ang alam ko, mag-attend siya ng practices. He will be very involved in the preparation for the next two games,” pakli ni Panlilio.

Ang senatorial candidate din umano ay isa sa mga naging instrumento upang matuloy ang pagsali ng PH team sa 2018 Asian Games, na matatandaang muntikan pang mapurnada noong Agosto.

“Hindi na po ako officially SAP dahil I’m resigned dahil I’m considered resigned when you are running. So SAP pa rin ako, pwede niyo akong tawaging Special Assistant to the Philippine team or to the players,” ayon kay Go.

Haharapin ng Gilas ang Kazakhstan sa Nobyembre 30 at ang Asian powerhouse naman na Iran sa Disyembre 3, na parehong gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?