1,372

Oct 24, 2017 @ 14:14

Sanya Lopez, nagpatikim ng kaseksihan

Nagpasabog ng kanyang alindog ang Kapuso star na si Sanya Lopez sa nakaraang sneak press preview sa magaganap na 30th anniversary celebration, ang “Bench under the Sun” ngayong Nov. 18 sa MOA Arena.

Isa si Sanya sa mga bagong dagdag na female celebrity endorsers na ipinakilala sa press noong Lunes na ginanap sa Ibiza Beach Club, kabilang na sina Maxine Medina, Kim Domingo, Bianca King at Beauty Gonzales.

Rumampa ang lahat ng mga nabanggit sa preview at lumutang ang kaseksihan ng baguhang aktres.

Napaka-sexy ni Maxine sa two-piece ensemble pants and blazer na may panloob na bra. Gayundin si Beauty na labas naman ang tiyan, si Kim na lantad ang hita at si Bianca na naka-see-through shirt.

Pero iba ang bagsik ni Sanya na nakasuot ng jacket at cocktail skirt. Nakalaylay ang isang sleeves ng suot nito dahilan para malantad ang kanyang bra.

Nakakalula ang laki ng dibdib ni Sanya na nagpakabog sa boobs ni Kim ng mga sandaling ‘yun.

Itsurang busog na busog ang dibdib ng “Haplos” star at hindi maipagkakailang totoo ang upper bumper nito dahil umaalog-alog ito habang naglalakad siya sa runaway.

Kahit ang mga food service crew ng Ibiza, tutok na tutok sa nakalantad na alindog ng drama actress.

Namumutok naman kasi ang dibdib ng aktres sa pagkakaipit ng suot niyang bra na animo’y puwet ng isang malusog na sanggol.

Patikim pa lang ang kaseksihan ni Sanya sa magaganap na full show sa Nov. 18 at ayon sa kanya handa naman siya sa kung ano ang ipapasuot sa kanya ng Bench lalo’t panay-panay na ang kanyang pagwo-work out.

Ang mga bagong dagdag na male celebrities na ipinakilala rin sa press preview ay sina Albie Casiño, Kiko Estrada at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?