1,742

Oct 25, 2017 @ 12:03

Sanya Lopez kabadong rumampa na naka-panty at bra lang

Sina Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, Beauty Gonzales, Bianca King, Sanya Lopez, Kim Domingo, David Licauco, Albie Casino, Kiko Estrada, Bruno Santos. Addy Raj at Marco Gumabao ang mga ipinakilala bilang mga bagong Bench Body celebrity endorsers sa preview ng Under The Stars na ginanap sa isang bar sa Bonifacio Global City noong Lunes.

Ang Under The Stars ang 30th anniversary show ng Bench sa Mall of Asia Arena sa November 18.

Sa limang babae, si Maxine ang sanay na sanay sa pagrampa dahil professional model siya bago nanalo ng beauty title noong 2016. Nakatulong din ang pagsali ni Maxine sa 66th Miss Universe para madagdagan din ang confidence niya.

Bukod sa pagiging official Bench Body endorser, introducing si Maxine sa Spirit of the Glass 2: The Haunted, ang horror movie ng OctoArts Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa November 1.

Nanay na si Beauty pero parang hindi ito nanganak dahil seksi na uli siya. Bakas sa tiyan ni Beauty ang mga stretch mark na epekto ng kanyang pagbubuntis pero hindi niya dapat ikahiya ang mga kamot sa tiyan dahil simbolo ito ng pagiging ina.

Kahit walang emosyon ang mukha ni Sanya habang rumarampa, halata ang kaba na nararamdaman niya dahil sa mga mata na nakatutok sa kanya.

Hindi maiwasan na makaramdam ng nerbiyos ng lead star ng Haplos ng GMA 7 dahil tulad ng kanyang leading man na si Rocco Nacino, first time na sasali siya sa isang malaki at inaabangan na fashion show na underwear lamang ang suot niya. (JOJO GABINETE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?