803

Oct 31, 2017 @ 13:46

Sanya Lopez gusto nang bugbugin ni Thea Tolentino

By JOE BARRAMEDA

Sa halos dalawang taon na itinakbo ng The Half Sisters na pinagbidahan ni Thea Tolentino noon, hindi na nakakapagtakang hanggang ngayon ay close pa rin siya sa mga dating kasama sa serye.

Nakita namin siyang kasama si Jean Garcia na nag-work out, at kasama rin nila si Gil Cuerva. Mukhang nagiging active na rin sa fitness si Thea dahil kahit self-defense na martial arts ay sinusubukan din niya.

Dahil ba naghahanda na siya sa fight scene nila ni Sanya Lopez? Mukha kasing doon na papunta ang kahihinatnan ng pag-aaway nila bilang Angela (Sanya) at Lucille (Thea).

Sobrang ginagalit at pinahihirapan ni Lucille si Angela, kaya naman hindi na rin kami makapaghintay na makaganti na si Angela! Hindi na tumatalab ang mga gayuma ni Lucille kay Gerald (Rocco Nacino), kaya sana ay magtuloy-tuloy na ang pagpalpak niya!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?