55

Jun 23, 2022 @ 13:55
By

Sanvicente dumalo sa ikalawang hearing

Matapos isnabin ang unang pagdinig, lumutang na ngayong Huwebes ang viral SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente para ihain ang kanyang counter-affidavit.

Inihain ni Sanvicente ang counter-affidavit sa Mandaluyong Prosecutor’s Office. Tumanggi siyang harapin ang tanong ng mga taga-media.

Samantala, hindi naman nagpakita ngayong Huwebes para sa ikalawang pagdinig ang sinagasaang security guard na si Christian Joseph Floralde. Ayon sa kanyang abogado na si Federico Biolena, hindi umano maganda ang pakiramdam nito.

Wika pa ni Biolena, wala siyang alam tungkol sa anumang aregluhan sa pagitan nina Floralde at Sanvicente.

Si Sanvicente ay nahaharap sa mga kasong frustrated murder at abandonment of one’s victim dahil sa viral na hit-and-run incident.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?