27

Jun 24, 2022 @ 0:55
By

Santos sa IG nagpasalamat

Sa edad na 41, patuloy pa rin ang magandang karera ng Spiderman ng Philippine Basketball Association na si Arwind Santos.

Makaraang makabilang sa PBA Mythical First Team at All Defensive Team ng Leopoldo ‘Leo’ Prito Awards, nakatanggap ito muli ng parangal mula naman sa PBA Press Corps noong Martes ng gabi.

Dinaan na lang din ng NorthPort player ang mga pasasalamat sa kanyang instagram account Huwebes.

“Maraming salamat uli sa PBA at PBAPC, higit sa lahat sa Panginoon nabiyayaan niya muli ako ng award na Defensive Player of the Year,” aniya.

Taong 2006 nang makapasok sa propesyonal liga si Santos kung saan naging second pick overall. 2021 naman nang malipat sa Batang Pier mula sa San Miguel Beer.

Humirit din si Santos na sana’y hindi pa aniya ito ang huling biyaya na matatanggap sa PBA.

“Salamat din of course sa aking asawa @ivettesotnas29, sa mga anak, pamilya ko, mga kaibigan at mga tagasuporta. Maraming salamat sana hindi pa ito ang huling biyaya na aking makukuha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?