179
Santos nilampasan si Victorino sa butataan
By

Santos nilampasan si Victorino sa butataan

Nilista ni San Miguel Beer veteran forward Arwind Santos ang pangalan sa record books sa bukana pa lang ng PBA Philippine Cup semifinals Martes ng gabi kontra Phoenix.

Sa 10:37 mark ng first quarter sa Cuneta Astrodome, binutata ni 6-foot-4 Santos si reigning Rookie of the Year Jason Perkins.

‘Yun din ang unang shotblock ng Game 4.

Angat si Spider Man sa No. 7 ng PBA all-time list ng shot blocks, nilagpasan ang 817 ni Manny Victorino.

Sunod na tatangkaing habulin ng Lubao, Pampanga native si No. 6 Abet Guidaben na nakapaglista ng 922 sa 20-year career.

Mula 1975-1995, nakapaglaro sa walong teams si Guidaben at naging instrumento sa dalawang grand slam titles ng Crispa Redmanizers noong 1976 at 1983.

Naging two-time MVP rin si Guidaben noong ’83 at ’87, kasama sa siyam na multiple winners ng award.

Ang 37-anyos na si Santos ay No. 2 pick ng Air21 noong 2006 bago nalipat sa San Miguel noong 2009.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?