20

Jan 13, 2021 @ 19:25
By

Santolan, Katipunan, Anonas station ng LRT-2 bubuksan na

Balik-biyahe na sa unang quarter ng 2021 ang Santolan hanggang Anonas station ng Light Rail Transit Line 2 makalipas ang mahigit isang taong pagsasara dahil sa sunog.

Oktubre 2019 sinuspinde ang operasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas station matapos ma-damage ng sunog ang dalawang rectifier substation sa Katipunan at Anonas.

“The resumption of operations of Santolan, Katipunan, and Anonas stations, which were closed after a fire damaged power rectifiers and some railway tracks, is slated this first quarter of 2021,” pahayag ng Department of Transportation.

Bukod sa tatlong nabanggit na istasyon, nakatakda na ring magbukas sa Abril 26 ang dalawang bagong istasyon ng tren na bahagi ng LRT-2 East Extension Project.

Ito ay ang Emerald sa Marikina City at Masinag sa Masinag Junction sa Antipolo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?