11

Jan 21, 2021 @ 20:32
By

Santolan, Katipunan, Anonas station balik-operasyon sa Jan. 22

Balik-biyahe na bukas ang Santolan hanggang Anonas station ng Light Rail Transit Line 2 makalipas ang mahigit isang taong pagsasara dahil sa sunog.

Oktubre 2019 sinuspinde ang operasyon ng Santolan, Katipunan at Anonas station matapos ma-damage ng sunog ang dalawang rectifier substation sa Katipunan at Anonas.

Bukod sa tatlong nabanggit na istasyon, nakatakda na ring magbukas sa Abril 26 ang dalawang bagong istasyon ng tren na bahagi ng LRT-2 East Extension Project.

Ito ay ang Emerald sa Marikina City at Masinag sa Antipolo City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?