164
ABANTE sinulog sto nino festival cebu
Jan 19, 2020 @ 13:31

Santo Niño pinagpaliban, ilang Katoliko tinulungan ang Taal evacuees

Inuna ng ilang deboto at seminarista sa isang Catholic school sa Lipa City, Batangas ang paghahanda ng relief packs sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal ngayong araw ng Pista ng Sto. Niño.

Hinikayat din ang mga residente sa lugar na ipagpaliban muna ang pagdiriwang upang makatulong sa mga nilikas na residente.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa 22,472 pamilya ang apektado ng Taal Volcano eruption sa Batangas, Cavite, Laguna at Quezon.

Samantala, ilang daang katao na ang nakiisa sa Pista ngayong Linggo ng umaga, Enero 19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?