43
Santillan pasimuno sa Marinero
By ,

Santillan pasimuno sa Marinero

Matapos matalo sa huling laro, balik sa win-column ang Marinerong Pilipino Skippers nang tambakan ang The Masterpiece – Trinity University of Asia White Stallions, 91-72, sa 2019 PBA D-League, Lunes sa JSCGO Gym sa Cubao.

Angat na sa 3-2 na baraha ang bitbit ng Skippers sa Foundation Group ng torneo.

“Ang sinasabi ko na lang sa kanila palagi kailangang ibigay natin ‘yung best effort natin especially sa practice kasi doon tayo mabubuo as a team lalo na medyo akyat-baba ‘yung mga players namin ngayon,” sabi ni Skippers coach Efren Garcia.

Pasimuno para sa Skippers ang dating La Salle ace na si Santi Santillan ng pumoste ito ng double-double finish, 29 puntos at 10 rebounds habang sumahog naman ng 10 puntos at tatlong rebounds si Orlan Wamar.

“Well ang lagi naman tinutukan kay Santi (Santillan) is talagang ‘yung offense niya sa outside at inside. Talagang binibigyan namin siya ng extra time pero and after practice, so ‘yung resulta ngayon lumabas sa D-League,” dagdag nito.

Susulitin muna ng mga bata ni Garcia ang comeback win na ito at ang kanilang dalawang linggo pahinga bago isipin ang sunod na tropa na kanilang makakaharap.

Samantala, nalusaw naman ang 18 puntos na nirehistro ni AJ Vitug para sa White Stallions na ngayon ay dulas sa 0-4 na baraha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?