33

By ,

Santig, Manangquil kikilalanin ng WBC-Asian Boxing Council

Dalawang Pinoy boxing promoters ang gagawaran ng parangal ng World Boxing Council (WBC) Asian Boxing Council ngayong Mayo 22 sa Asia Hotel sa Ratchathewee, Bangkok, Thailand.

Sina Brico Santig at JC Manangquil ang napiling gawaran ng nasabing parangal.

Ang 43-anyos na si Santig, na nangunguna sa Highland Boxing Promotions na nag-ooperate sa Manynila, Benguet at Bangkok, ang tatangap ng Pacific Region Promoter of the Year 2018.

Habang ang 26-anyos na si Manangquil, na president ng Sanman Boxing Promotion ng General Santos City, ang kinilalang Archipelago Zone Promoter of the Year 2018.

Sina Santig at Manangquil din ang parehong nakatanggap ng mga nasabing pagkilala noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?